Ngayong ika-2 ng Agosto 2021, pinangunahan ni DILG R-3 OIC-Rehiyong Patnugot Jay E. Timbreza ang pagpupulong ng lahat ng kawani ng DILG Rehiyon 3 sa isang virtual flag ceremony kaninang 7:30 ng umaga.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si OIC-RD Timbreza sa bawat isa sa higit isang taon na, na pagpapamalas ng katapangan sa pagtupad ng kani-kanilang tungkulin sa gitna man ng pandemya. Pinaalalahanan din niya ang lahat na patuloy na sumunod sa lahat ng polisiya at maging responsable sa lahat ng pagkakataon.
Samantala, ibinahagi ni FAD Chief Anita Adriano ang ibat ibang mga polisiya katulad ng regular na pagsumite ng accomplishment reports linggu-lingo at daily time record; pagbabawal sa paggamit ng social media sites tuwing oras ng trabaho para sa personal o anumang gawain na hindi bahagi o walang kinalaman sa opisyal na responsibilidad bilang manggagawa ng pamahalaan. Ibinahagi rin ni FAD Chief Adriano ang alternative work arrangement schedule simula ngayong araw. Ang paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na komunikasyon sa buwan ng Agosto ay ipinaalala rin sa lahat.
Bilang panghuli, pinasalamatan ni OIC-RD Timbreza ang lahat sa pangunguna ng mga patnugot sa mga probinsya at siyudad ng rehiyon sa kanilang pagdalo at pakikiisa.