Transparency_Seal.jpg

PAG-ASA Weather Update

 <DOST_PAGASA_WEATHER.png

 

×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Upang masuri ang mga gawain at palakasin pa ang Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) sa lalawigan, pinangunahan ng DILG Bataan ang pagsasagawa ng LCAT-VAWC provincial table validation noong ika-23 ng Agosto, 2022 sa Tanggapang Panlalawigan ng DILG.

 Ang 12 LGUs ng Bataan ay sinuri sa kanilang pagganap at pagpapatupad ng mga programa ng nasabing komite para sa Audit Year na 2021 kung saan ang bayan ng Orion ang nakakuha ng pinakamataas na antas na functionality (Ideal) sa nasabing taon. Gayundin, ang mga bayan ng Bagac, Morong at Samal ay namarkahan din na 'Ideal' sa nasabing assessment.

Sina Program Manager Allan Don Malonzo at LGOO V Laverne Gonzales, Jr. ng DILG Bataan ang namuno sa Provincial Inter-Agency Monitoring Team (IMT) kasama sina PSMS Erlynn Fonseca ng Bataan PPO, Shiela Mae Vitug ng PSWDO, Alson Jun Domingo ng PHO at Edelberto Rolle ng ABSNET Mariveles bilang kinatawan ng CSO, na isa-isang maingat na sinuri ang mga dokumentong isinumite ng mga LGU para sa table assessment.

Ang LCAT-VAWC Functionality Assessment ay nagsisilbing batayan para sa pagpapaunlad ng kapasidad ng komite upang palakasin ang kakayahan ng mga LGU sa paglaban sa trafficking in persons (TIP) at pag-aalis ng karahasan laban sa mga kababaihan at ng kanilang mga anak.

RDs message

ARDs Message

President.pngSecreteary.pngCitizen-Charter.pngCitizen-Charter.pngtransparency-seal.pngFOI LogoFOI Logo


ARTA OP LABEL


GAD Logo


Full Devolution


Full Devolution