Transparency_Seal.jpg

PAG-ASA Weather Update

 <DOST_PAGASA_WEATHER.png

 

Binuo ng Bayan ng Botolan, Zambales, sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal- Zambales (DILG- Zambales), ang kanilang Executive at Legislative Agenda – Capacity Development Agenda (ELA-CapDev) para sa taong 2022-2025 sa Azalea Hotel and Residences, Lungsod ng Baguio noong Agosto 8-10, 2022.

 Ang Bayan, sa pamumuno ni Punong Bayan Jun Omar C. Ebdane at Bise Alkalde Doris D. Ladines, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng mga tanggapan, kinatawan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), at Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog (BFP), at mga non-government organizations, ang mga nagsilbing kalahok ng nasabing gawain. Sila ay iginrupo at pinagsama-sama sa limang sektor na Institutional, Social, Economic, Environment at Infrastructure. Ang mga kinatawan mula sa limang sektor ay siyang nag-ulat ng kani-kanilang mga awtput pagkatapos ng mga inihandang workshop sa loob ng nasabing tatlong araw.

Nagsilbing mga tagpagpadaloy at tagapagsalita sina Panlalawigang Patnugot Martin Porres B. Moral, CESO V, at mga Punong Tagapagpakilos ng Pamahalaang Pampook na sina Kristine Joy B. Pesimo, EnP., Cindy C. Cagalitan, Maharlina J. Tejada, Dan A. Esteban at Shieralyn B. Esteban ng DILG-Zambales at si Municipal Planning and Development Coordinator Melanie C. Baysa, EnP.

Inilahad nina Punong Bayan Jun Omar C. Ebdane at Bise-Alkalde Doris D. Ladines ang Executive Agenda at Legislative Agenda, bilang gabay sa pagbuo ng ELA-CapDev na siyang maglalayong i-ayon ang mga prayoridad ng Ehekutibo at Lehislatibo sa isang agenda ng bayan sa loob ng tatlong taon.

"Laging full support ang tanggapan [sa inyo] upang makamit ang mga nakaplano sa ating ELA-CapDewv," aniya ni Punong Bayan Ebdane habang hinihikayat ang lahat na makipagtulungan, lumahok at magpakita ng parehong dedikasyon upang makamit ang bisyon ng bayan.

Ang ELA-CapDev ay nagmula sa mga prayoridad na proyekto, mga programa at aktibidad ng bawat kagawaran ng lokal na pamahalaan, na pinagsama-sama sa pamamagitan ng kanilang sektoral na representasyon sa loob ng tatlong (3) taon batay sa mga layunin, at estratehiya ng lokal na pamahalaan na nakapaloob sa Comprehensive Development Plan (CDP).

RDs message

ARDs Message

President.pngSecreteary.pngCitizen-Charter.pngCitizen-Charter.pngtransparency-seal.pngFOI LogoFOI Logo


ARTA OP LABEL


GAD Logo


Full Devolution


Full Devolution