Sa pangunguna ni Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia isinagawa ang Provincial Team Conference (PTC) ng DILG Bulacan noong ika-8 ng Agosto 2022.

 Para sa kanyang ikalawang PTC, binigyang pansin ni PD Fabia ang implementasyon ng mga programa ng Kagawaran, ang agarang pagtalima sa mga pag-uulat at ang pagbibigay ng technical assistance sa mga lokal na pamahalaan.

Sa nasabing aktibidad, tinalakay ang mga estado ng ulat o proyekto at mga darating na pagsasanay sa ilalim ng Monitoring and Evaluation Section (MES), Capability Development Section (CDS), Finance and Administrative Section (FAS), at Locally Funded Projects (LFPs).

Tinalakay din ni Cluster Team Leader (CTL) Jeffrey Manalastas ang mga usaping legal na may kinalaman sa mga lokal na pamahalaan. Nagbahagi din ng kanilang mga "best practices" ang mga piling DILG Field Officers.

Gayundin, ginawaran ng Plake ng Pagpapahalaga sina CTL Jeffrey Manalastas at CTL Jose Algy Canlas bilang pagkilala sa kanilang hindi matatawarang ambag sa implementasyon ng mga proyekto at programa ng DILG Bulacan.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga CTLs, Program Manager, City/Municipal Local Government Operations Officers, Section Chiefs, at provincial administrative at technical staff ng DILG Bulacan.

 

  
Featured Videos