
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) ngayong buwan ng Mayo at inisyatiba ng DILG Bulacan, katuwang ang DTI Bulacan ay matagumpay na naisagawa ang EODB Learning Episode 1 na may temang “Empowering Micro Entrepreneurs and Consumers” ngayong ika-15 ng Mayo 2025.
Ang aktibidad na ito ay nilahukan ng mga lokal na pamahalaan sa buong lalawigan ng Bulacan at tinalakay ang mga paksa na may kinalaman sa Business Name Registration, Barangay Macro Business Enterprise (BMBE) Accreditation, at Consumerism and Complaints Handling.
Ang gawaing ito ay naglalayon na palalimin pa ang kaalaman ng mga micro entreprenuers at mamimili tungkol sa kanilang mga karapatan, oportunidad, at mga prosesong makatutulong upang maagapan ang pagnenegosyo at maprotektahan ang kapakanan ng bawat mamimili.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa ilalim ng GABAY, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na sub-LGRRC ng DILG Bulacan.