Ang buong kawanihan ng DILG Bulacan ay taus-pusong nagpapasalamat kay Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III para sa kanyang buong suporta at tiwala sa DILG Bulacan at sa kanyang mahusay na pamumuno bilang Regional Director ng DILG Region III. Siya ay isang lider na tunay na hinahangaan at naging inspirasyon ng kagawaran sa patuloy nitong paglilingkod sa bayan.
Kasabay nito, taos-puso ring binabati ng DILG Bulacan si Dir. Araceli A. San Jose, CESO III bilang bagong Regional Director ng rehiyon. Buong suporta ang ipinapaabot ng tanggapan sa kanyang pamumuno at kaisa ang DILG Bulacan sa pagsusumikap na higit pang mapalakas ang pamahalaang lokal sa rehiyon at sa lalawigan ng Bulacan.