Pinalakas na Kampanya Kontra Droga, Isinulong sa Meycauayan sa Pamamagitan ng SICAP-BADAC Training
Isinagawa nitong ika-15 hangang ika-16 ng Hulyo 2025 ang Roll-out Training on Strengthening Institutional Capacities on Barangay Anti-Drug Abuse Councils (SICAP-BADAC) sa lungsod ng Meycauayan, Bulacan. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga barangay sa nasabing lungsod sa pagsusulong ng epektibong kampanya laban sa iligal na droga.
Pinangunahan ni LGOO VI Gerald Cabarles Jr. ng DILG Bulacan ang talakayan ukol sa mga mandato, komposisyon, tungkulin, at kapangyarihan ng BADAC. Kabilang din sa tinalakay ang Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP), kung saan ito binigyang-diin bilang isang community-driven na inisyatibo kung saan lahat ng sektor ay may tungkuling tumulong sa mga kabarangay na nalulong sa droga. Binigyang tampok din ang iligal na droga bilang isang suliraning panlipunan na kinakailangang tugunan ng buong komunidad sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.