TSLogo

 

 

facebook page

 

MSAC Bulacan, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Philippine Arbor Day

Hunyo 25, 2025 | Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Arbor Day, nakiisa ngayong araw sa pangunguna ng DILG Bulacan, ang Multi-Stakeholder’s Advisory Committee (MSAC) sa pagsasagawa ng malawakang pagtatanim ng mga puno sa Bukid Center, Brgy. Peñabatan, Pulilan, Bulacan.

Layunin ng aktibidad na ito na hikayatin at pataasin ang kamalayan ng mga mamamayan ukol sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga punongkahoy bilang hakbangin sa pangangalaga ng kalikasan at magsisilbi ring panangga sa panahon ng kalamidad katulad ng bagyo at pagbaha sa lalawigan.

Nasa 140 na bungang kahoy ang matagumpay na naitanim sa pamamagitan ng pagkakaisa at pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Pulilan kabilang na rin ang mga iba’t-ibang sangay ng pamahalaan at organisasyong bumubuo sa komite. Kabilang sa mga aktibong nakilahok sa aktibidad ay sina Punong Bayan ng Pulilan, Mayor Maria Rosario Montejo; Punong Barangay ng Peñabatan, PB Bernard Santos; at mga miyembro ng MSAC kabilang ang PNP, BFP, DTI, DOST, PIA, TESDA, PITO, BENRO, PDRRMO, PPAO, PYSDO, BulSU, ACCPI, BCCI, PCCM Meycauayan, Soroptomist International of Meycauayan, at mga kawani ng DILG Bulacan.

Sa bisa ng Presidential Proclamation 643 at Republic Act 10176, ipinagdiriwang ang Arbor Day tuwing Hunyo 25 sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at mga halaman kung saan ay hinihikayat din ang aktibong pakikilahok ng lahat ng ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga GOCCs, pribadong sektor, mga paaralan, mga Civil Society Organizations (CSOs) at mga mamamayan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video