TSLogo

 

 

facebook page

 

DILG Bulacan, Pinagtibay ang Paghahanda para sa BEO Plus Program ng mga Bagong Halal na Opisyal sa Ika-6 na DILG Konek

Lungsod ng Malolos, Bulacan – Idinaos ngayong araw, ika-19 ng Hunyo 2025, ang ika-6 na DILG Konek sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, na dinaluhan ng lahat ng Provincial personnel at Field Officers ng DILG Bulacan. Tinalakay sa pulong ang mga kasalukuyan at paparating na ulat at aktibidad ng bawat Seksyon ng Provincial Office upang palakasin ang koordinasyon at kahandaan ng bawat isa.

Pangunahing tinutukan sa kumperensya ang programang NEO Plus o Newly-Elected Officials Program Plus, isang capacity development program ng DILG na layuning bigyang-gabay ang mga bagong halal na opisyal tungo sa epektibong pamumuno at paggampan sa kanilang tungkulin. Inisa-isa ang mga panuntunan at hakbang para sa maayos na implementasyon nito, kasabay din nito ang pagtutok sa transition ng mga outgoing at incoming na mga lokal na opisyal upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na serbisyo ng mga lokal na pamahalaan.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia ang mga kawani ng DILG Bulacan na mas pag-igihan pa ang serbisyo publiko, maging maagap sa pagtugon sa mga paparating na hamon at tawag ng katungkulan, at mas pagtibayin pa ang posisyon ng DILG bilang tulay ng reporma at pagtutulungan sa pagitan ng Pambansa at Lokal na Pamahalaan. Sa huli, binigyang-diin ni PD Fabia ang responsibilidad ng bawat kawani ng DILG na isabuhay ang pagiging matino, mahusay, at maaasahan di lamang sa loob ng kani-kanilang tanggapan kundi bilang isang responsableng mamamayang Filipino.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video