- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 1692
Tumungo ngayong araw, ika-29 ng Pebrero, ang Locally Funded Projects (LFP) Team ng DILG Bulacan sa Lungsod ng Malolos upang inspeksyunin ang mga proyektong Health Station sa ilalim ng FY 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na may tinatayang 2,000 na benepisyaro, ang proyektong ito ay naglalayong makapagbigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan sa Barangay San Gabriel. Binisita din ang mga proyektong Farm-to-Market Road na matatagpuan sa Barangay Sto. Cristo at Caniogan sa ilalim FY 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU). Ang proyektong ito ay upang mapadali ang mga rutang pang-transportasyon, na nagtataguyod ng paglago sa ekonomiya at mas magandang oportunidad sa komunidad.
Ang SBDP at FALGU ay mga programa ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga lokal na pamahalaan na maaaring gamitin sa pamamagitan ng pagsasaayos, pagpapatayo at pagsasagawa ng iba’t-ibang uri ng imprastrakturang mayroon malaking papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ekonomiya at sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat mamamayan.