- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 1750
Nagbigay ng teknikal na gabay ngayong araw ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa bayan ng Calumpit. Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang kapasidad ng Local Project Monitoring Committee (LPMC) sa pamamagitan ng pagtutok sa mga tungkulin nito at mabigyan ng direktiba at pamantayan upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga lokal na proyekto. Gayundin, tinutukan ang pag-encode ng mahahalagang detalye ng mga proyekto sa SubayBayan at paggamit ng Rapid Subproject Sustainbality Assessment (RSSA) portal para sa pagsusuri ng kapakinabangan at kakayahan ng mga proyekto. Ang ganitong hakbangin ay pundasyon ng mahusay na resulta at benepisyo ng mga proyekto para sa komunidad.