LUNGSOD NG MALOLOS - Ngayong ika-22 ng Oktubre 2024, isinagawa ang Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) para sa ika-apat na sangkapat ng taon. Pinangunahan ni Punong Lalawigan Daniel R. Fernando at ng DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, kasama ang mga kasapi ng nasabing mga konseho. Ang pagpupulong ay ginanap sa Pavilion ng Hiyas ng Bulacan Convention Center.
Bukod sa paglalahad ng mga ulat at datos ng bawat kasapi, isa sa mahalagang bahagi ng pagpupulong ay ang pag-apruba sa iminungkahing 2025 Peace and Order Budget na prinisinta ni Arlene G. Pascual, Provincial Planning and Development Coordinator, ng Pamahalaang Panlalawigan na siyang magagamit upang mas lalo pang paigtingin ang laban kontra bawal na gamot at mapanatili ang kapayaan at kaayusan sa buong lalawigan.
Nagpasalamat din si Governor Fernando sa bawat ahensya, mga pribadong sektor, Civil Society Organization, at mga Lokal na Pamahalaan na patuloy sa suporta at pakiisa sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtaguyod ng kapayapaan sa lalawigan.