TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Local Government Month ngayong Oktubre, ginanap ngayong araw, ika-17 ng Oktubre, taong kasalukuyan ang ika-23 Gawad Galing Barangay sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos. Sa aktibidad na ito ay kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gobernaador Alexis Castro ang mga natatanging opisyal ng barangay na nagpamalas ng galing, husay at dedikasyon sa paghahatid ng serbisyong publiko sa kanilang mga nasasakupan.

 


Panauhing Pandangal sa aktibisad si Igg. Maria Katrina Jessice Dy, National President ng Liga ng mga Barangay ng Pilipinas, at dinaluhan ng mga opisyal ng lalawigan kabilang si Panlalawigang Patnugot, Myrvi Apostol-Fabia ng DILG Bulacan.
Tumanggap ng pagkilala ang mga barangay sa ilalim ng mga kategoryang: (1) Natatanging Volunteers Workers Group; (2) Natatanging Lingkod Barangay; (3) Natatanging Gawaing Pambarangay; at (4) Natatanging Punong Barangay.


Kinilala si Punong Barangay ng Bulihan, Igg. Esperanza Garcia bilang Natatanging Punong Barangay, kung saan ay iginawad sa Brgy. Bulihan ang parangal para sa proyektong Barangay Ecological Solid Waste Management bilang Natatanging Gawaing Pambarangay. Kabilang rin sa mga nakatanggap ng parangal ay sina Igg. Eric Caratao ng Brgy. Pinaod, San Ildefonso bilang Natatanging Kagawad, at Igg. Jessi P. Gata ng Brgy. Balatong-A, Pulilan bilang Natatanging Kalihim ng Barangay.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video