Matapos sumailalim sa Asynchronous Sangguniang Kabataan Mandatory Training (SKMT), nagsagot sa isang online assessment si Lianne Alecxis Remonde, Ingat-Yaman ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Sto. Nino sa tanggapan ng DILG sa munisipyo ng Dinalupihan noong Agosto 31, 2021.
Ang nasabing ASKMT ay ang pangalawa sa mga pagsasanay na naisagawa ng online sa Lalawigan ng Bataan. Ito ay pinangasiwaan nina MLGOO Cristy M. Blanco, LGOO III Danilyn Pena at LGOO II Laverne Gonzales, Jr. ng DILG Bataan at Kim Perillo, Pangulo ng SK Sto. Nino.
Ang SKMT ay isinasagawa alinsunod sa SK Reform Act kung saan ang lahat ng opisyal ng Sangguniang Kabataan ay kailangang sumailalim sa pagsasanay upang maayos na magampanan ang kanilang mga tungkulin.
Sa pagtatapos na pagpupulong, ipinahayag ni LGOO II Gonzales na ang resulta ng online assessment at ang mga hakbang na kasunod nito. Sa huli, pinaalalahanan ni MLGOO Blanco ang mga opisyal ng SK Sto. Nino na isapuso ang paglilingkod dahil bilang mga SK, hindi biro ang mga gampanin at mga responsibilidad na nakaatang sa kanila.