CT1

Binigyang parangal ng DILG Aurora ang mga Contact Tracers (CT) ng Departamento sa kanilang buong pusong dedikasyon at serbisyo sa nakaraang dalawang taon bilang kaagapay ng pamahalaan sa pagtugon at pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19 hindi lang sa Lalawigan ng Aurora, kundi sa buong bansa.

Sa palatuntuntan na ginanap noong ika-30 ng Agosto, 2022 sa Casa Moorea Baler, Aurora, pinangunahan ni OIC-PD Ener P. Cambronero at ilan pang mga kawani ng panlalawigang tanggapan kasama ang mga MLGOOS sa walong munisipyo ng Aurora ang pagbahagi ng kanilang pasasalamat at pagkilala sa mga labing-apat na CTs sa pangunguna ni CT Coordinator Christopher Sanchez at CT Admin Innah Jay Rubio.

CT4

Pinangunahan din nina PD Cambronero, CTL Dennis Daquiz at PM Mary Joyce Bautista ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala at pasasalamat sa mga CT para sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa bayan.

Kasabay ng aktibidad na ito ang paggawad sertipiko ng pagkilala at pasasalamat kina CTL Dennis A. Daquiz and LGOO II Bon Paby Mingua sa kanilang dedikasyon at malaking tulong sa opisina na nagpapatunay sa kanilang pagiging MATINO, MAHUSAY AT MAAASAHANG kawani ng Kagawaran. Sina CTL Daquiz at LGOO II Mingua ay malilipat na ang tungkulin sa Panlalawigang Tanggapan ng Nueva Ecija.

 PD CORNER EPC 2023