
Noong Agosto 11–12, 2025, 35 na kalahok mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, DILG Aurora, at iba’t ibang LGUs ang nagtipon sa AMCO Beach Resort, Brgy. Sabang, Baler, Aurora para pagsasagawa ng “TOGADER in Forefront: A Lecture on the Review of the GAD Plan and Budget (GPB) at GAD Accomplishment Report (GAD AR)” sa ilalim ng programang AKKAW ng LGRC Tambuli ng DILG Aurora.
Layunin ng gawain na ito na mas palaliminin ang kaalaman ng mga lokal na pamahalaan sa pinakabagong patakaran, hasain ang kakayahan sa paggamit ng gender analysis tools, at patibayin ang kapasidad sa paghahanda at pagsusuri ng mga GAD plan at report—upang matiyak na walang maiiwan sa ating pag-unlad.
Bilang pangunahing tagapagsalita ng gawain, si LGOO VII Lydia M. Baltazar na Philippine Commission on Women Accredited GAD Trainor mula sa DILG Bulacan ay naghatid ng masusing at malinaw na talakayan na tumugon sa pangangailangan ng mga kalahok. Sa kanyang apat na sesyon, ipinaliwanag niya ng mga pangunahing konsepto ng Gender and Development (GAD), paggamit ng gender analysis tools, at pagsusuri ng GAD Plan and Budget (GPB) at GAD Accomplishment Report (GAD AR).
Sa pamamagitan ng mga interaktibong sesyon tulad ng World Café at mga workshops, nagbahagi din ang mga kalahok ng kanilang kaalaman at mga kinahaharap na mga hamon patungkol sa pagsusulong ang GAD sa kani-kanilang tanggapan at komunidad.
Bilang diwa ng AKKAW, pinagtitibay ng gawaing ito ang ating kolektibong pangako na magtayo ng pamahalaang pantay ang oportunidad, naririnig ang bawat tinig, at pantay na nakikinabang sa kaunlaran.