
Ika-27 ng Agosto, 2025 - Sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Aurora Provincial Project Monitoring Team (PPMT) at ng Local Government Unit (LGU) inspectorate team, isinagawa ang masusing inspeksyon ng mga kagamitang binili para sa suportahan ang malikhaing industriya sa bayan ng San Luis, Aurora. Ang proyekto ay napondohan sa ilalim ng FY 2024 Seal of Good Local Governace Incentive Fund, na naglalayong palakasin ang turismo sa pamamagitan ng pagbuo ng mga estratrehiya sa promosyon ng lokal na kultura at mga pook-pasyalan.

Pinangunahan ni Information and System Analyst I, Kenneth M. Mortel ang detalyadong pagsusuri upang tiyakin na lahat ng espesipikasyon na nakasaad sa purchase order ay nasunod. Sa isinagawang inspeksyon, napansin ng grupo na ang mga kinakailangang sticker ay hindi pa nakakabit sa mga kagamitan. Dahil dito, pinayuhan ang LGU na tiyakin ang pagkakabit ng mga ito bago ang pormal na inauguration ng proyekto.
Matapos ang inspeksyon, isinagawa ang isang exit conference kung saan tinalakay ni Engr. Hernandez ang mga dokumentong kinakailangan upang mapatunayang ganap nang nakumpleto ang proyekto. Humingi rin siya ng pormal na petsa mula sa LGU para sa pagtugon sa lahat ng napagkasunduang obserbasyon. Ipinaalam din niya na lahat ng naging kasunduan ay isasama sa Aide Memoire para sa mas malinaw na dokumentasyon.
Samantala, muling iginiit ni Engr. Iniwan ang kahalagahan ng maagap na pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento para sa pag-update at pag-upload ng datos sa SGLGIF website – ang opisyal na plataporma ng Kagawaran para masubaybayan ang implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng SGLGIF Program.
-------------------------------------------------
Project: Purchase of Equipment for Creative Industries (ICT Equipment, Video and Photography Equipment, Animation Equipment)
Location: San Luis, Aurora
National Subsidy: Php 1,153,000.00
Fund Source: FY 2024 SGLGIF
Project Description:
The project goal and objective is to develop marketing and promotion strategies to attract more local and foreign tourist by developing a proper promotional tourism activity as well as supporting the preservation and promotion of local culture
Type: Non-Infrastructure
Sub-type: ICT Equipment
Category: Tourism, Heritage Development, Culture and Arts
Beneficiaries: 29,723
Beneficiary Type: Local Business Investor, Residents, Foreign and Local Tourists
Mode of Implementation: By Contract
LEARN MORE: About DILG Programs for SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE INCENTIVE FUND (SGLGIF)
#SGLG #SGLGIF #AboveAndBeyond #MatinoMahusayAtMaaasahan