
Hindi na kailangan pang mangamba ng mga residente ng Barangay Cabawangan, Nampicuan, Nueva Ecija na magkukulang o mawawala ang supply ng malinis na tubig sa kanilang lugar matapos na ganap na pasinayaan ang bagong gawang proyektong “Expansion of Level III Water Supply System” noong ika-28 ng Nobyembe 2025.
Ang nasabing proyekto ay may kabuuang badyet na ₱13.3 milyon mula sa Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (SAFPB) ng DILG, isang programang naglalayong tugunan ang kakulangan sa ligtas at malinis na tubig sa mga pamayanan.
Pinangunahan ang inagurasyon nina Punong Bayan Kgg. Mario G. Lacurom, kasama ang Panrehiyong Patnugot ng DILG Rehiyon III, Dir. Araceli A. San Jose, CESO III, at Panlalawigang Patnugot ng DILG Nueva Ecija, Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, kasama ang iba pang opisyal at kawani ng kagawaran.
Inaasahang maghahatid ang bagong Level III water supply system ng malinis at ligtas na tubig hindi lamang sa Barangay Cabawangan, kundi maging sa mga kalapit na barangay ng Cabaducan East, Ambasador, at South Poblacion.
#Uhay
#TresTheBest