Print 

Noong ika-27 ng Marso, 2023 ay muling binisita ng DILG Bulacan ang Iba-Longos Road na isang proyektong pinondohan ng Kagawaran sa ilalim ng programang Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP). Ang nasabing proyekto na may habang 1 kilometro at may lapad na 6.1 metro ay nauna nang natapos noong Ika-25 ng Enero, 2023 at may kabuuang halaga na 20 milyong piso.

 Patuloy na tinitiyak ng Departamento ang mabilis at maayos na pagsasagawa at pagtatapos ng mga proyekto para matiyak na mapapakinabangan ng mamamayan.