DILG Zambales, NGAs, Provincial DTC inihanda na ang mga Lokal na Pamahalaan ng Zambales tungo Sa Full Devolution
- Details
- Written by LGOO II Paulin Johanne Reyes of DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1116
Sa pangunguna ng DILG Zambales na pinamumunuan ni Direktor Armi V. Bactad, kasama ang iba't-ibang nasyonal na ahensya (NGAs) at mga kinatawan ng Provincial Devolution Transition Committee (DTC) sa pangunguna ni Punong Lalawigan Hermogenes E. Ebdane, Jr., matagumpay na idinaos ang panlalawigang oryentasyon sa paghahanda ng Local Government Unit Devolution Transition Plans (LGU DTPs) upang umpisahan ang pagbalangkas ng mga lokal na pamahalaan patungo sa full devolution sa taong 2022. Ito ay ginanap noong Agosto 26-27, 2021 sa pamamagitan ng zoom meeting platform.