Ligtas at mapayapang pamayanan ng mga RCSP target Barangay, pinagtibay sa isang gawain ng DILG at Botolan Task Force ElCAC
- Details
- Written by LGOO VI Jonnel B. Edillor
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1326
Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng Lalawigan ng Zambales sa pamumuno ng Direktor Armi V. Bactad, sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Botolan, sa pamamagitan ng Task Force End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) nito — ay matagumpay na nagsagawa ng aktibidad nitong ika-30 ng Setyembre taong kasalukuyan na pinamagatang 'Capacitating Barangay Based Institutions cum Strengthening Community Security Mechanisms and Structures and Information Drive for Peace, Security and Development,' na naglalayong mapaigting ang kasanayan at kakayahan ng mga pamahalaang barangay sa paglaban at pagsugpo sa komunismo at terorismo at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga sa komunidad.