TINGNAN: Mga natatanging pamahalaang lokal sa implementasyon ng peace and order, kinilala sa 4th Quarter Joint Meeting ng PPOC, PADAC at PTF-ELCAC
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 1743
DECEMBER 5, 2023- Ngayong araw, pinangunahan nila Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V at mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force- End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), ang huling pinagsamang pagpupulong para sa taong 2023 na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Pavillion, Capitol Compound, Malolos City, Bulacan.
Sa naturang aktibidad, binigyang pagkilala ang mga pamahalaang lokal na nagkamit ng “high functionality” sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Audit at pumasa sa iba’t-ibang pagtatasa ng Kagawaran na kinabibilangan ng Peace and Order Council (POC) Audit, Local Council for the Protection of Children (LCPC) Audit, at Local Council Against Trafficking- Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) Audit.
Itinanghal din ang mga nagawa at tagumpay ng mga miyembro ng konseho para sa taong 2023 at ang mga susunod na hakbagin at programa upang mas mapalakas ang kapasidad ng bawat miyembro sa pagpapanatili ng kaligtasan, kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.