PAGBALANGKAS SA CAPDEV AGENDA NG LALAWIGAN, PINANGUNAHAN NG DILG BULACAN
Matagumpay na naisagawa ng DILG Bulacan, katuwang ang Panlalawigang Pamahalaan ng Bulacan, ang "Provincial Orientation on the Formulation of Capacity Development Agenda" noong ika-19 ng Nobyembre, 2025, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center. Ang gawaing ito ay may layuning ihanda ang mga kawani sa pagbalangkas ng CapDev Agenda na tumutugon sa pagpapalakas ng kanilang kasanayan at pagpapabuti ng serbisyo publiko.
Tinalakay sa nasabing oryentasyon ang mahahalagang hakbang sa pagbuo ng CapDev Agenda, kabilang ang pagtukoy sa competency gaps, pag-uuri at pagprayorisa ng mga interbensyon, at pagbuo ng mga programang magpapalago sa kapasidad ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kawani mula sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, na aktibong nakibahago sa mga talakayan at gawain.