TINGNAN : Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan ang pagsusuri sa proyektong “Construction of Slope Protection at Barangay Assumption, CSJDM, Bulacan” sa ilalim ng FY 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF), bilang insentibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagkakapasa ng bayan sa Seal of Good Local Governance (SGLG).
Layunin ng proyekto na maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa, kabilang dito ang pagpapatupad ng iba’t ibang hakbang upang mapanatili ang katatagan ng proyekto at maiwasan ang anumang aksidente o pinsala sa komunidad.