TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Bilang bahagi ng kick-off celebration ng Local Government Code Anniversary, at sa pakikiisa ng DILG Bulacan sa pangunguna ni Provincial Director Myrvia Apostol-Fabia, CESO V, nagsagawa ang mga kawani ng tanggapan ng isang makabuluhang Tree Planting Activity ngayong ika-10 ng Oktubre 2024 sa Barangay Maasim, San Ildefonso, Bulacan. Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Local Government Month ngayong Oktubre.

 

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong “Construction of Drainage System” sa Panasahan, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ang proyektong ito ay bahagi ng insentibo mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan matapos ang pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na may pondong nagkakahalaga ng ₱4,000,000.

Nakipag ugnayan ang DILG Bulacan sa Commission on Election (COMELEC) ngayong araw, ika-2 ng Oktubre 2024, upang makapagbigay ng kaalaman at impormasyon ukol sa paparating na 2025 National and Local Election.
Base sa inilabas na calendar of activites ng COMELEC, sinimulan na ang filing ng certificate of candidacy kahapon, ika-1 ng Oktubre, 2024, at magtatapos sa ika-8 ng Oktubre, 2024.


Sa isang matagumpay na serbisyo caravan na isinagawa noong ika-27 ng Setyembre, 2024 sa Barangay San Isidro at iba pang barangay sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan, masayang nagtipon ang mga residente upang tumanggap ng mga tulong mula sa lokal na pamahalaan at sa mga ahensya ng gobyerno. Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Retooled Community Support Program o RCSP na naglalayong labanan ang banta sa insurhensya sa pamamagitan ng pagtataas ng kamalayan ng nga residente ukol sa mga programa, serbisyo at proyekto ng pamahalaan. Ipinamahagi sa mga residente ang mga sumusunod na serbisyo:

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video