Bayan ng Plaridel at Obando, Kinilala bilang Drug-Free Workplace
Isang malugod na pagbati sa Bayan ng Plaridel at Obando na ginawaran ng Drug-Free Workplace Certification ng Regional Peace and Order Council (RPOC) Rehiyon Tres, bilang patunay ng masigasig na pagpapatupad ng mga programa laban sa illegal na gamot at pagpapanatilicng payapa at ligtas na Pamahalaang Bayan.
Ang pagkamit ng Drug-Free Workplace Certification ng mga naturang bayan ay hindi lamang isang pagkilala, kung hindi ito nagsisilbing inspirasyon at patunay ng kanilang tuluy-tuloy na pagsusumikap sa pagpapatupad ng mga programa at polisiya tungo sa pagkamit ng ligtas at disiplinadong tanggapan para sa mga kawani at mamamayan. ✨