TSLogo

 

 

facebook page

 

Pagbuo ng Local People's Council sa Lalawigan ng Bulacan, Isinusulong!

Isang oryentasyon ukol sa pagbuo ng Local People’s Council (LPC) ang isinagawa sa lalawigan ngayong ika-17 ng Nobyembre, 2025, sa pakikipagugnayan ng DILG Bulacan at lokal na pamahalaan ng Bulacan. Layunin ng oryentasyon na mapalakas ang kapasidad at mabigyan ng gabay ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan sa tamang proseso sa pagbuo ng LPC, maipaalam ang kanilang mga nakaatang na tungkulin at responsibilidad ayon sa batas at mga alintuntunin na kaugnay nito, at mahimok ang mga lokal na pamahalaan sa Bulacan na suportahan ang pagbuo ng LPC. 

Dalawampu't apat (24) na lokal na pamahalaan sa probinsya, lungsod at bayan ang dumalo sa nasabing pagsasanay na kinatawan ng kanilang itinalagang CSO Desk Officers, Local Planning and Development Officers (LPDOs), Sanggunian Secretaries, C/MLGOOs at iba pang kawani.

Si City Director Zotico Gerson A. Villanueva, CESE ng DILG Olongapo, ang naging espesyal na panauhin at pangunahing tagapagsalita na nagbigay ng kanyang kaalaman at eksperyensa sa nasabing aktibidad na ito.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video