TSLogo

 

 

facebook page

 

Bagong Rescue Vehicle para sa Bayan ng Bustos

Opisyal na pinasinayaan ngayong araw ang bagong rescue vehicle para sa Bayan ng Bustos bilang insentibo sa pagpasa sa prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 na nagkakahalaga ng ₱1,153,000.

Ang nasabing pasinaya ay pinangunahan nina Mayor Francis Albert G. Juan, Regional Director Araceli A. San Jose, CESO III, Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Vice Mayor Martin SJ. Angeles, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, MLGOO Diana Jean Garcia, mga pinuno ng iba’t ibang departamento at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Layunin ng proyektong ito na palakasin ang kapasidad ng bayan sa agarang pagtugon sa anumang insidente o pangangailangan sa komunidad. Sa pamamagitan ng bagong rescue vehicle, mas mapapabilis ang operasyon, mas mapapalawak ang serbisyo, at mas mabibigyan ng katiyakan ang kaligtasan at kapakanan ng mga Bustoseño.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video