Mas Mabilis na Serbisyo hatid ng Bagong Proyekto sa Bayan ng San Ildefonso
Inaasahan ang mas mabilis na paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa Brgy. Alagao matapos pasinayaan ang proyektong “Concreting of Road at Brgy. Alagao” sa Bayan ng San Ildefonso, Bulacan.
Ang makabuluhang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng FY 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund na may kabuuang halagang ₱1,153,000, ay naglalayong maghatid ng mas mabilis, mas ligtas, at mas maginhawang pagbiyahe sa mga residente ng Alagao.
Pinangunahan ang aktibidad ni Mayor Fernando S. Galvez Jr., kasama sina Regional Director Araceli A. San Jose, CESO III, Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Vice Mayor Chariz G. Cabande, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Barangay, Cluster Head LGOO VII Lydia M. Baltazar, MLGOO Imelda C. Magat, mga pinuno ng iba’t ibang departamento, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.