Brgy. Bigte, Norzagaray, Tampok bilang Showcase para sa 2nd Sem Barangay Assembly
Oktubre 18, 2025 | Isinagawa ngayong araw sa Brgy. Bigte, Norzagaray sa pangunguna ni Punong Barangay Rosemarie Capa ang Provincial Showcase para sa 2nd Semester Barangay Assembly. Nasa 700 katao ang nakiisa at dumalo kabilang si Punong Bayan Merlyn Germar, mga kawani mula sa DILG Bulacan, BFP, Pamahalaang Bayan ng Norzagaray, at mga mamamayang Bigteño.
Tinalakay sa assembly ang mga kasalukuyang ulat at accomplishments para sa nagdaang semestre ng taon ukol sa iba’t-ibang sector kabilang ang Education, Tourism, Health, Finance Appropriation, Agriculture, Disaster Preparedness, Peace and Order, at Environmental Protection. Bukod pa rito ay naibahagi rin sa mga mamamayan ang mga proyekto at inisyatibo sa mga nabanggit na sector ang Sangguniang Kabataan ng barangay.
Ang Barangay Assembly ay isinasagawa tuwing Sabado at Linggo sa buwan ng Marso at Oktubre alinsunod sa Proklamasyon Blg. 599, S. of 2018. Layunin nito na magbigay ng pagkakataon upang matalakay ng mga opisyal ng barangay sa kanilang nasasakupan ang mga kasalukuyang estado ng mga programa at proyekto sa barangay at agarang masolusyonan ang mga suliraning kinakaharap nito.