Pormal na iginawad sa Pamahalaang Bayan ng Guiguinto, sa pangunguna ni Mayor Ambrosio Cruz, Jr. ang insentibo na nagkakahalaga ng 750,000 piso bilang pagkilala sa kanilang nakamit na ikalawang pwesto sa 2023 National Manila Bay Awards and Incentives (Municipal Category).
Ang paggawad ng naturang pagkilala ay pinangunahan ni DILG Region III Regional Director Araceli San Jose, kasama si DILG Bulacan Provincial Director Myvri Apostol-Fabia at iba pang mga kawani mula sa Pangrehiyong Tanggapan ng Kagawaran.