TSLogo

 

 

facebook page

 

Lungsod ng Malolos | Sa isang makabuluhang araw ngayong ika-13 ng Setyembre, 2025 ay ipinagdiwang ang kaarawan ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamamagitan ng paghahatid ng programa sa mga mamamayan, ang Handog ng Pangulo: Serbisyong Tapat para sa Lahat na sabayang isinagawa sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ang programang Handog ng Pangulo ay naghatid ng iba’t-ibang serbisyo na higit na makatutulong upang mas pataasin ang antas at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayang Bulakenyo. Ilan sa mga naibahaging serbisyo ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan:

✅ 2410 na punla na native trees, fruit bearing trees at kawayan mula sa DENR;
✅ Pay-out para sa 2493 na benepisyaryo ng TUPAD;
✅ 10 training scholarship grant mula sa TESDA;
✅ 35 benepisyaryo ng pangkabuhayan showcase mula sa DOLE;
✅ Mga makinarya at kagamitan para sa irigasyon mula sa DA; at
✅ Job Fair para sa bagong trabahong lokal at internasyonal; at
✅ Kadiwa Trade Fair

Dumalo bilang kinatawan ni Pangulong Marcos si DENR Secretary Raphael Lotilla, kasama sina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alex Castro, at ang iba pang lokal na opisyal, kawani ng mga pambansang ahensya, mga pinuno ng mga tanggapan sa lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video