TSLogo

 

 

facebook page

 

Agosto 27, 2025 | Sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, kasama si Bise Gob. Alex Castro ay matagumpay na isinagawa ang Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force to End Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ngayong araw para sa ikatlong sangkapat ng taong 2025.

Tinalakay ni Provincial Information Center Manager, G. Vinson Concepcion ng PIA Bulacan ang mga hakbangin upang maiwasan na mabiktima ng maling balita o impormasyon lalo na ng mga kabataan, kabilang na rin ang mga website na maaaring bisitahin upang suriin kung lehitimo ang mga impormasyon na nakikita online. Ibinahagi din ng Bulacan PPO ang mga tagumpay ng kapulisan sa pagpapababa ng kriminalidad, kabilang na ang kanilang naging mabilis na pagtugon sa krimen na naganap sa Lungsod ng Baliwag at Santa Maria.

Sa kabilang banda, tinalakay ng DepEd ang iba’t-ibang suliranin pangseguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral at nagbigay ng direktiba si Gob. Fernando na maging bahagi ang mga Barangay Tanod sa pagtitiyak ng kaligtasan at seguridad ng mag-aaral. Sa huli, ang DILG Bulacan, sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia ay nagmungkahi ng pag-apruba sa Resolusyon Blg. 3, Serye ng 2025 na higit na makapagpapatibay sa hangarin na mas mapaigting ang seguridad sa mga Pampublikong Paaralan sa lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video