TSLogo

 

 

facebook page

 

Agosto 20, 2025 | Isang mainit na pagtanggap ang sumalubong sa mga kawani ng DILG Bulacan para sa isinagawang ikawalong DILG Konek: The Provincial Team Conference ng tinaguriang “The Rising City” sa Lalawigan — ang Lungod ng San Jose Del Monte, sa pamumuno ni Punong Lungsod Florida P. Robes.

Ang PTC ay dinaluhan ng mga provincial at field officers mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Bulacan upang pag-usapan ang mahahalagang programa, aktibidad, at direksyon ng Kagawaran sa lalawigan. Bukod pa rito, ang pagpupulong ay nagsilbi ring pagkakataon upang mabisita ng mga kawani ang mga tanggapan sa Pamahalaang Lungsod at higit pang mapalalim ang ugnayan sa pagitan ng DILG Bulacan at Lungsod ng San Jose Del Monte.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Chief of Staff Juan Miguel San Pedro sa pagpili sa Lungsod ng San Jose Del Monte na pagdausan ng makabuluhang pagtitipon na ito ng DILG Bulacan. Sa kanyang mensahe, inihayag ni G. Perez ang matibay na pakikiisa ng lungsod sa mga inisyatiba ng DILG ukol sa mahusay na pamamahala at serbisyo publiko. Ibininahagi rin ni G. Perez ang bisyon ng lungsod na maging isa sa mga nagungunang lungsod sa Rehiyon 3 at inaasahan na magiging makabuluhang kabahagi nito ang DILG Bulacan.

Sa ikawalong buwanang pagpupulong, binigyang pansin ni PD Fabia ang mga kasalukuyang programang inilalatag ng mga LGUs kabilang na ang akreditasyon para sa mga Civil Society Organizations (CSOs), Local Legislative Awards (LLA) at Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) upang matiyak ang maayos at dekalidad na pagpapatupad ng mga naturang programa. Pinasalamatan din ni PD Fabia ang bawat kawani na tumulong para sa matagumpay na halalan ng mga bagong opisyal ng mga liga sa lalawigan kabilang ang Philippine Councilors League (PCL), Vice Mayors League of the Philippines (VMLP), at League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video