TINGNAN: Nagpulong ngayong araw, ika-19 ng Agosto 2025, ang mga miyembro ng Provincial Management Coordinating Committee ng Bulacan para sa Ikatlong Sangkapat bilang paghahanda sa nalalapit na Pinagsamang Pulong ng PPOC-PADAC-PTF-ELCAC.
Tinalakay sa nasabing pulong ang mga makabuluhang natapos na gawain ng bawat ahensya para sa nagdaang mga buwan. Ang ikatlong sangkapat na pulong ng PMCC ay dinaluhan ng mga kinatawan mula PNP, BFP, BJMP, PDEA, AFP, DepEd, DILG, at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.