TINGNAN: Ngayong araw ay isinigawa ng DILG Bulacan LFP Team ang isang pagsusuri sa proyektong “Procurement of One Unit Rescue Vehicle” sa ilalim ng F.Y. 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na may kabuuang pondo na Php 1,153,000.00 sa bayan ng Bustos.
Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng karagdagang kagamitan ang lokal na pamahalaan para sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa mga insidente at sakuna, gayundin upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga mamamayan ng Bustos.