TSLogo

 

 

facebook page

 

Kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month nitong Buwan ng Hulyo, pinangunahan ng DILG Bulacan ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga bagong halal na mga Punong Lungsod at Bayan kaugnay ng kanilang mabilis at agarang pagtugon sa panahon ng sakuna at kalamidad. Kabilang sa mga pamahalaang lokal na na nagsagawa nito ay ang mga sumusunod:

• Balagtas;
• Baliwag;
• Hagonoy;
• Marilao;
• Paombong;
• Pulilan; at
• San Miguel.

Ang inisyatibong ito ng DILG Bulacan ay naglalayon na palakasin ang kakayahan at kahandaan sa pagtugon ng mga pamahalaang lokal sa sakuna sa pamamagitan ng pagbibigay ng oryentasyon hinggil sa Operation L!sto kabilang na ang mga L!sto Protocols, Gabay at Mapa para sa Listong Pilipino, and ipabatid ang kanilang mahalagang tungkulin bilang pinuno ng kanilang mga Local Disaster Risk Reduction Management Councils (LDRRMCs) sa kanilang mga nasasakupan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video