TSLogo

 

 

facebook page

 

Subic, Zambales – Nagsama-sama nitong ika-13-14 ng Agosto 2025 ang mga opisyal mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Bulacan para sa dalawang araw na “Formulation of the FY 2026–2028 Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan” sa Segara Hotels, Subic Bay Freeport Zone. Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga kinatawan ng sapat na kaalaman at kasanayan upang makabuo ng malinaw, epektibo, at sistematikong plano na magsisilbing gabay ng kanilang lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan sa kani-kanilang mga komunidad.

Matagumpay na nakapagbalangkas ang mga LGU ng kani-kanilang draft POPS Plan na sumasaklaw sa mga prayoridad na programa gaya ng Drug-Free Workplace Policy, Retooled Community Support Program (RCSP), at mga inisyatiba kaugnay ng Peace and Order Council (POC) at Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Audits. Kabilang din sa mga konsiderasyong isinama sa kanilang mga plano ang 5-minute response time target ng PNP upang masiguro ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga insidente.

Ang mga planong ito ay ilalatag sa kani-kanilang C/MPOCs para sa masusing pagrepaso at pag-apruba bilang gabay sa pagpapatupad ng mga programang tutugon sa mga hamon sa seguridad at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video