TSLogo

 

 

facebook page

 

Pagsasanay para sa Mountain Search and Rescue sa Lalawigan, Sinimulan ng DILG

Guiguinto, Bulacan — Nagsama-sama ang mga pangunahing ahensya ng pamahalaan para sa dalawang-araw na Mountain Search and Rescue (MoSAR) Module Formulation nitong ika-13 hangang 14 ng Nobyembre 2025 sa Klir Water Resort, Guiguinto, Bulacan, bilang tugon sa pangangailangang mas mapataas ang kapasidad ng mga Lokal na Pamahalaan sa sistematikong operasyon ng pagsagip at pagtugon sa mga aksidenteng nangyayari sa mga kabundukan.

Sa pangunguna ng DILG Bulacan katuwang ang Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), ang aktibidad ay naglalayong bumuo ng isang komprehensibong training module na angkop sa mga hamon ng mountain rescue operations. Ito ay partikular na mahalaga sa Bulacan na may mga bahaging kabundukan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang standardized MoSAR module na maaaring magsilbing gabay hindi lamang sa mga lokal na pamahalaan sa Bulacan, kundi bilang modelo rin ng iba pang lalawigan sa buong bansa. Aniya, ang mga insidente sa kabundukan tulad ng pagkawala ng indibidwal at mga aksidente dulot ng pabago-bagong kondisyon sa bundok ay nangangailangan ng mataas na antas ng teknikal na kasanayan, malinaw na protocol, at matibay na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya.

Magkakaroon ng pilot testing ng pagsasanay sa sampung (10) LGUs ng Bulacan na may mga bulubunduking bahagi, upang pataasin ang antas ng kaalaman at kakayahan ng mga pamahalaang lokal ukol sa MoSAR at ang maibahagi ang aktwal na operasyon sa mga kabundukan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video