Nagtipon nang ika-20 ng Oktubre, 2023, ang DILG Bulacan, Provincial Youth, Sports and Public Employment Services Office (PYSPESO) at mga panlalawigang opisyal ng Local Youth Development Office sa PCEDO Conference Room, Lungsod ng Malolos, upang talakayin ang mga paghahanda para sa nalalapit na Sangguniang Kabataan Mandatory Training (SKMT).

Sa pangunguna nina Dir. Myrvi Apostol-Fabia ng DILG Bulacan at Atty. Jayric Amil ng PYSPESO, tinalakay ang kalalagayan ng aplikasyon para sa akreditasyon ng mga LYDOs, petsa ng SKMT ng bawat lokal na pamahalaan, at iba pang mga posibleng isyu na kahaharapin sa nasabing aktibidad na gaganapin sa Nobyembre.


Ang SKMT ay isang pagsasanay para ihanda ang mga bagong halal na SK tungkol sa kanilang mga gampanin bilang mga kabataang lingkod bayan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video