MGA BAGONG STREETLIGHTS, HATID AY LIWANAG PARA SA MAS LIGTAS NA KOMUNIDAD SA BRGY. BAMBANG, BULAKAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 4243
Mga Bagong Streetlights, Dala ay Saya at Liwanag sa Bulakan, Bulacan
Agosto 4, 2025 | Pinangunahan ngayong araw ni Mayor Vergel Meneses, kasama sina DILG Bulacan PD Myrvi Apostol-Fabia, Punong Barangay Jose Narciso Roque, at ng iba pang mga Pinuno ng mga Tanggapan ang pagpapasinaya ng tatlumpu’t limang (35) solar street lights bilang insentibong natanggap ng bayan para sa kanilang pagpasa sa Seal of Good Local Governance taong 2024 na nagkakahalaga ng Php 1,153,000.00.
VICE MAYOR'S LEAGUE OF THE PHILIPPINES (VMLP) - BULACAN, NAGHALAL NG MGA BAGONG OPISYALES PARA SA ISANG PANIBAGONG TERMINO
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 4264
Vice Mayor Ferdinand Estrella, Bagong Pangulo ng VMLP-Bulacan
Lungsod ng Malolos | Matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-1 ng Agosto 2025, ang halalan para sa bagong hanay ng mga opisyales ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) – Bulacan Chapter para sa termino simula ngayong 2025 hanggang 2028.
IKAPITONG DILG KONEK: ANG PANLALAWIGANG PAGPUPULONG NG DILG BULACAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 4169
Alab ng Pagkilos, Igting ng Pagkakaisa: Mainit na Pagtangap ng DILG Bulacan kay Regional Director Araceli A. San Jose
Sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo, matagumpay na isinagawa ng DILG Bulacan ang Ika-7 DILG Konek: The Provincial Team Conference sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos. Layunin ng pagtitipong ito ang mas malalim na pagsusuri sa mga naging kaganapan sa nakaraang sangkapat, pagbabahagi ng mga pananaw at karanasan, at higit sa lahat, ang pagpapatibay ng koordinasyon at kolektibong pagkilos tungo sa mas epektibong paglilingkod.
Itinampok rin sa nasabing aktibidad ang mainit at buong-pusong pagtanggap ng DILG Bulacan kay Director Araceli A. San Jose, bilang bagong Regional Director ng DILG Region III. Sa kanyang kauna-unahang pakikipag-ugnayan sa lalawigan, pinangunahan ni RD San Jose ang interfacing session kasama ang mga C/MLGOOs at iba pang kawani ng DILG Bulacan. Dito, kanilang inilahad ang kasalukuyang kalagayan ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan, kabilang ang mga hamon, inobasyon, at mga kwento ng tagumpay sa kanilang mga nasasakupan.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni RD San Jose ang hindi matatawarang dedikasyon ng DILG Bulacan. Aniya, "Kayo ang tunay na larawan ng isang lingkod-bayan—matino, mahusay, maaasahan, at may malasakit sa kapwa." Ang pagtitipon ay naging makabuluhang hakbang sa pagpapatuloy ng may malasakit at epektibong serbisyo publiko sa lalawigan.



















