Pagpapalakas ng Kapasidad ng mga 2022 RCSP Barangay sa Bulacan, Sinimulan na!
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 9484
Pulilan, Bulacan – Pinangunahan ng DILG Bulacan ang pagpapalakas ng kakayahan ng siyam (9) na barangay na magpapatupad ng Retooled Community Support Program (RCSP) sa lalawigan ngayong ika-10 ng Agosto, 2022. Matapos ang oryentasyon ng Executive Order No. 70 o ang “Institutionalizing the Whole-of-Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace, Creating a National Task Force to End Local Communist (NTF-ELCAC),” at iba pang programang pangkapayaan ng ahensya sa anim na lokal na pamahalaan, tinipon ng DILG Bulacan ang mga barangay, RCSP Core Teams ng lungsod at bayan, PNP, at Phil Army upang muling talakayin ang mga proseso, aktibidad, at dokumento na kailangang gawin ng mga barangay ayon sa alituntunin ng programa.
Read more: Pagpapalakas ng Kapasidad ng mga 2022 RCSP Barangay sa Bulacan, Sinimulan na!
Pagsasagawa ng Civil Society Organization (CSO) Conference sa Bulacan
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 11127
Agosto 10, 2022 - Isinagawa ang Civil Society Organization (CSO) Conference sa Pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Ito ay bahagi ng mga aktibidad sa ilalim ng Akreditasyon ng mga CSO sang-ayon sa isinasaad ng DILG Memorandum Circular Blg. 2022-083.
Read more: Pagsasagawa ng Civil Society Organization (CSO) Conference sa Bulacan
Pakikilahok ng DILG Bulacan sa naganap na pagpili ng Ika-21 Gawad Galing Barangay (GGB) sa taong 2022
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 10957
Ang DILG Bulacan ay aktibong lumahok sa magkasunod na kaganapan ng Gawad Galing Barangay (GGB) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na pinamahalaan ng Tanggapan ng Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Lalawigan (PPDO).