TSLogo

 

 

facebook page

 

Alinsunod sa Memorandum Sirkular 2023-133 na nilagdaan ni Kalihim ng Kagawaran, Abgdo. Benhur Abalos, Jr. ukol sa Barangay at Kalinisan Day or BarKaDa, nagkaroon ngayong araw, ika-16 ng Setyembre, 2023, ng isang malawakang clean up drive ang mga barangay sa buong bansa.

Septyember 14, 2023 - Bilang bahagi ng pagsubaybay ng DILG Bulacan sa implementasyon ng mga proyektong pinondohan sa ilalim ng FY 2023 LGSF-FALGU ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Panlalawigang Tanggapan sa Bayan ng Bocaue, Bulacan.

Kaugnay ng implementasyon sa Executive Order No. 39, s. of 2023, ukol sa pagtatalaga ng price ceiling sa pagbebenta ng bigas, nasa 29 na beripikadong micro rice retailers ang nakatanggap ng 15,000 cash assistance sa ilalim ng programang Sustainable Livelihood Program-Economic Relief (SLP-ERS). Ang naturang aktibidad ay bunga ng magkatuwang na pagsisikap ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas (DTI), Kagawaran ng Agrikultura (DA), Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD), at Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Local (DILG).

Ika-13 ng Setyembre, 2023 ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa bayan ng Calumpit. Sa aktibidad na ito ay nagkaroon ng komprehensibong diskusyon patungkol sa pangkabuuang ideya, pangongolekta ng mga datos at mga gagamiting tools para sa Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan (MWSSMP).


Layunin ng gawaing ito na makapagbigay ng tulong at gabay upang mapanatili ang malinis at sapat na suplay ng tubig para sa mga residente ng Calumpit. Ito rin ay naglalayong mas palakasin ang kalidad at epektibidad ng serbisyong publiko sa tubig at sanitasyon ng naturang bayan.

Sa layunin na mapangalagaan at maproteksiyonan ang bulubundukin ng Sierra Madre, isinagawa ngayong araw, ika-13 ng Setyembre, 2023 ang isang tree planting activity sa Sitio Daramugan, Barangay Kalawakan, Bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT).

Bohol, Philippines – On September 4-7, 2023, the Philippine Councilors League Bulacan Chapter successfully conducted its annual congress in the province of Bohol. The event, themed "Sanggunian in Action Leading Sustainable Development for Inclusive Communities," was a collaborative effort between PCL Bulacan and DILG Bulacan, with the aim of fostering unity and enhancing local legislation in the Province of Bulacan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video