TSLogo

 

 

facebook page

 

Pinangunahan ng DILG Bulacan ang isinagawang Peace and Order Council (POC) at Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Audit Provincial Assessment nitong ika-27 ng Oktubre 2025, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa PNP, PDEA, BFP, BJMP, at mga Civil Society Organizations (CSOs).

Layunin ng pagtitipon na suriin at repasuhin ang naging resulta ng isinagawang pre-assessment partikular sa pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan, kaayusan, at kampanya laban sa ilegal na droga. Sa pagpupulong ay ipinrisenta sa mga miyembro ng konseho ang mga naging resulta ng pagsusuri, kabilang na rin ang mga obserbasyon, hamon, at mungkahi para sa karagdagang interbensyon upang higit pang mapaigting ang pagganap ng mga LGU para sa mga susunod na taon.

Ang pagtatasa ng POC at ADAC ay taunang isinasagawa sa pangunguna ng DILG upang sukatin ang antas ng pagtalima at epektibong pagpapatupad ng mga programa at polisiya para sa kapayapaan, kaayusan, at kampanya laban sa illegal na droga sa mga lokal na pamahalaan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video