Pagpapalakas ng Liga ng mga Barangay sa Lalawigan, Pinangunahan ng DILG
TINGNAN | Nagpulong ngayong araw ang mga LnB Presidents sa pangununa ni Bokal Fortunato SJ. Angeles kasama si DILG Bulacan PD Myrvi Apostol-Fabia sa Lungsod ng Baliwag.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga LnB Presidents mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Bulacan. Sa pulong ay ipinresinta ang mga bagong DILG issuances, mga pagtatasang ginagawa ng Departamento, gayundin ang paghahanda sa kalamidad at sakuna.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DILG sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan upang magampanan ng maayos ang mga tungkulin inaasahan ng mamamayan.