TINGNAN | Patuloy ang pagpapalakas ng ugnayan ng DILG Bulacan sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia at Vice Mayor’s League of the Philippines (VMLP) - Bulacan Chapter sa pangunguna ni Vice Mayor Ferdie Estrella sa ginanap na pagpupulong ng VMLP ngayong araw, ika-9 ng Oktubre, 2025.
Sa pagpupulong ay ipinresinta ang mga programa ng Departamento, pati na rin ang mga iminungkahing mga capacity building para sa Sanggunian. Sa huli ay ipinahayag ng liga ang kanilang patuloy na pagbibigay ng suporta para sa implementasyon ng mga programa ng Departamento.