TINGNAN : Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspeksyon sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng F.Y. 2024 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU), na nagkakahalaga ng limang milyong piso kada proyekto:
• Rehabilitation of local road in Purok 1, Barangay Paltok;
• Rehabilitation of local road in Del Rosario St., Barangay Taboc;
• Rehabilitation of local road in Tubao St., Barangay Sulucan; at
• Concreting of local road in Simplicio Cruz St., Barangay Pulong Yantok
Layunin ng mga proyektong ito na mapabuti ang kalidad ng mga kalsada sa bayan ng Angat upang matiyak ang mas mabilis at ligtas na biyahe ng mga mamamayan, mapalakas ang daloy ng kalakalan, at higit pang mapalapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa komunidad.