TSLogo

 

 

facebook page

 

MGA BAGONG STREETLIGHTS PARA SA KOMUNIDAD NA MAS LIGTAS, HATID AY LIWANAG AT SEGURIDAD

Sa pangunguna nina DILG Regional Director Araceli A. San Jose, CESO III, at Mayor Rolando S. Peralta Jr., pinasinayaan ngayong araw ang sampung (10) yunit ng Streetlights sa kahabaan ng Pulilan-Baliwag Bypass Road. Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng FY 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF), bilang patunay ng patuloy na pagkilala sa mabuting pamamahala ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan.

Dumalo rin sa seremonya sina Vice Mayor Atty. Imelda D.J. Cruz, Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, LGOO VI Dante C. Boac, at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.

Inaasahang ang mga bagong ilaw sa kahabaan ng nasabing kalsada ay magbibigay ng liwanag at seguridad sa bawat biyahero—hindi lamang upang gawing mas ligtas at maayos ang daan, kundi upang magsilbing tanglaw ng patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Pulilan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video