TSLogo

 

 

facebook page

 

Setyembre 8, 2025 | Bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng Singkaban Festival na may temang, “Sining at Kalinangan ng Bulacan, Pamanang Babalik-balikan!”, isinagawa ngayong araw ng Parada ng Karosa na nilahukan ng mga lokal na pamahalaan, iba’t-ibang departamento, at pambansang ahensya tampok ang mga makukulay na dekorasyon na sumasalamin sa mayamang kultura at tradisyon ng Bulacan.

Sa ikalawang pagkakataon, ngayong taon ay muling lumahok ang DILG Bulacan, sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabian kung saan ay tampok ang mga disenyo at palamuti sa karosa na sumasalamin sa adbokasiya ng Kagawaran. Buod ng disenyo sa sentro ay ang aklat ng Local Government Code (LGC) na siyang nagsisilbing gabay ng mga nabalangkas na programa at proyekto ng Kagawaran para sa mga pamahalaang lokal. Bukod pa rito, ang karosa ay nababalot ng tatlong magkakaibang kulay na tabing kung saan ang pula ay sumisimbolo ng pagmamahal sa paglilingkod para sa atibg bayan, asul para sa katapatan sa sinumpaang tungkulin, at ang dilaw na nangangahulugan ng matayog na adhikain para sa mga lokal na pamahalaan.

Ang paglayag ng karosa ng DILG Bulacan sa Singkaban Festival ay hindi lamang nagpapakita ng pagkamalikhain sa larangan ng sining, kung hindi ay ito rin ay kumakatawan sa mas malalim na kahulugan ng marubdob na pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagbahagi ng mataas na kalidad ng serbisyong publiko. Sinasalamin nito — sa pamamagitan nina Ato at Ine — ang pagpapahalaga ng DILG Bulacan na katawanin ng bawat kawani ang pagiging matino, mahusay at maasahan tungo sa matagumpay at progresibong lalawigan para sa bawat mamamayang Bulakenyo.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video