TINGNAN : Ngayong araw ay isinigawa ng DILG Bulacan LFP Team ang isang pagsusuri sa proyektong, "Purchase of One Unit Rescue Vehicle" sa ilalim ng F.Y. 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na may kabuuang pondo na Php 1,153,000.00 milyong piso sa bayan ng Doña Remedios Trinidad.
Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng karagdagang kagamitan ang lokal na pamahalaan para sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa mga insidente at sakuna, gayundin upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga mamamayan.